Magmadali, O Siyon, na itanyag Sa daigdig na Diyos ay liwanang; S'ya na sa mga bansa'y naglatag Di N'ya ibig isa'y mapahamak.
REFRAIN
Ang balita ay ipahayag, Balita tungkol kay Jesus na liyag.
Ipahayag sa bayan, wika't bansa Na ang Diyos ay pag-ibig at tuwa; Upang iligtas ang tao sa lupa, S'ya'y namatay at nagpakababa.
Mga anak at salapi'y ihandog, Nang madala sugong maalindog; Sa dalangin kaluluwa'y ibuhos Nang sila'y magtagumpay sa lubos.
Siyon, Siya ay muling paririto, Kaya biyaya N'ya'y itanyag mo; Huwag tulutang maligtaang totoo Ang sinumang tinubos ni Kristo.